a

Ilang residente sa Davao City, lumikas dahil sa pag-apaw ng ilog

Nov 17, 2017 | Davao, Davao City, News

DAVAO CITY – Nasa 60 na residente ang lumikas Huwebes ng gabi matapos tumaas ang level ng tubig sa Davao River.

Umapaw ang tubig at higit lampas talampakan ang lalim nito na ikinabahala ng mga residente ng Matina Gravahan na nakatira sa tabi ng ilog.

Kabilang sa mga lumikas ay si Oliver Brital na bitbit ang kanyang anak at ilang damit.

 “Kailangang lumikas para ma-save ang bata,” sabi ni Brital.

Umabot sa orange code o high water level ang alerto sa Davao River.

Ayon kay Renante Luna, head ng Barangay Disaster Risk Reduction and Management Council ng Matina, ang pag-ulan kahapon sa upland areas ay dahil sa low pressure area.

Pansamantala munang nagpapahinga sa Matina Gravahan gym ang mga apektadong residente.

Patuloy namang nakamonitor ang kalapit na Barangay 76-A Bucana sa lebel ng tubig sa ilog. Wala pang nagsilikas.

Sa Jade Valley Subdivision, bumaha ang kalsada matapos mag-backflow ang tubig sa kanilang kanal dahil sa paglaki ng tubig satubig sa Davao River.

Unti-unti namang humupa ang tubig baha bandang alas-3 Biyernes ng madaling araw.

Claire Cornelio

Source :
http://news.abs-cbn.com/news/11/17/17/ilang-residente-sa-davao-city-lumikas-dahil-sa-pag-apaw-ng-ilog


Post Views : 3




SAFE ADS

Sponsor Hosting

our current visitors

visitor’s location

Additional Income

PropellerAds
'