a

Singil sa kuryente tataas ngayong Nobyembre

Nov 9, 2017 | ABS CBN, Advisories, News

MANILA- Tataas ang singil sa kuryente ngayong Nobyembre ayon sa Meralco dahil umano sa mas mataas na generation charge.

Magtataas ng P0.34 kada killowat hour (kWH) ang singil sa kuryente kung kaya papatak ang kabuuang bayarin ng P9.63 kada kWH.

Ibig sabihin, ang mga kabahayang kumokonsumo ng 200 kWH ngayong buwan ay kailangang magbayad ng dagdag na P68.72.

Paliwanag ng Meralco, ang dagdag-singil sa presyo ng kuryente ay dahil umano sa P0.19 kada kWH na dagdag-singil sa generation charge.

Ang pagtataas umano ng generation charge ay dala ng paghina ng piso kontra dolyar.

 

Source :
http://news.abs-cbn.com/business/11/09/17/singil-sa-kuryente-tataas-ngayong-nobyembre


Post Views : 1




SAFE ADS

Sponsor Hosting

our current visitors

visitor’s location

Additional Income

PropellerAds
'