a

2 bilanggo sa Tacloban City Police Office, nakatakas

Nov 6, 2017 | Hot, Investigation, Prisoners

TACLOBAN CITY – Nakatakas ang dalawang bilanggo sa custodial facility ng Tacloban City Police Office Linggo ng gabi.

Ayon sa spokesperson na si Chief Inspector Rex Cantilep, kinilala ang mga nakatakas na sila Mark Paul Grabillo, na may kasong may kinalaman sa illegal drugs, at si Rogelio Lo, na may kasong frustrated homicide.

Sa imbestigasyon ng Tacloban City Police, nagreklamo umano si Lao na hindi ito makahinga kaya inilabas ito sa lobby ng bilangguan.
Tinulungan siya ni Grabillo at dito na tumakbo papalabas ang dalawang bilanggo.

Napag-alaman rin na tumakbo patungo sa likod ng Tacloban City Hall sina Lao at Grabillo hanggang makaabot sa Magsaysay Boulevard kung saan sumakay ang dalawa sa isang motorsiklo.

Agad na nagsagawa ng hot pursuit operations ang mga otoridad at nahuli kaninang umaga si Lao.

Iniimbestigahan na rin ang pulis na si PO1 Mark Bardillon na siyang nakabantay sa mga bilanggo nang mangyari ang pagtakas.

Hinigpitan na ang seguridad sa custodial facility upang maiwasang maulit ang pangyayari.

Patuloy naman ang paghahanap kay Grabillo.

Ranulfo Docdocan

Source :
http://news.abs-cbn.com/news/11/06/17/2-bilanggo-sa-tacloban-city-police-office-nakatakas


Post Views : 1




SAFE ADS

Sponsor Hosting

our current visitors

visitor’s location

Additional Income

PropellerAds
'