a

8 preso na pinatakas ng Maute-ISIS sumuko, 5 pa tiklo

Jun 19, 2017 | Nation, News, Phil Star, Philippines, Terrorist, Trending, Viral, War, World

Boluntaryong sumuko kahapon kay BJMP chief Serafin Barretto ang pinatakas na inmate ng Maute group sa Marawi City Jail na si Mohaderin Acampong (nasa gitna). Kabilang si Acampong sa 107 inmates sa Marawi City Jail na pinatakas ng Maute group. Kuha ni Boy Santos

MANILA, Philippines – Umaabot na sa walong preso na kabilang sa mga pinatakas ng Maute-Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) sa kasagsagan ng pag-atake ng nasabing te­roristang grupo sa Marawi City Jail ang sumuko sa mga awtoridad habang lima pa ang nasakote, ayon sa opisyal kahapon.

Sa ulat ni Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Chief Jail Director Serafin Barreto Jr.,  pinakahuling sumurender kahapon ay si Mohaderin Banding Acampong, may kasong murder.

Si Acampong ay may kasong murder  na kabilang sa 107 inmates na pinatakas ng Maute-ISIS  matapos na sumalakay sa Marawi City Jail at Malabang District Jail sa lungsod ng Marawi noong Mayo 23 ng taong ito.

Ang iba pa ay una nang sumuko sa mga awtoridad nitong nakalipas na mga araw bagaman kahapon lamang ito isinapubliko. Ang mga ito ay nakilala namang sina Johaimen Gunting, Sihawi Socor, Jhon Pipino, Asgar Asimban, Marsidin Belalang, Mohaimen Malintao at Manuel Villastique.

“Acampong who stayed in Novaliches, Quezon City for weeks is now in our custody. We are happy that he chose to surrender“, ani Barreto kung saan karamihan sa mga pugante ay nahaharap sa kasong may kinalaman sa illegal na droga.

Samantalang kabilang naman sa mga nasakote ay Mohammad Hadji Ali, Jamil Elias, Saddam Lao, Abdul Yahya, at Regine Permondo.

Kaugnay nito, sinabi ng opisyal na ang iba pang mga personnels  ng BJMP sa mga piitan ng Marawi City at Malabang, Lanao del Sur ay inilipat na ng destino  sa lungsod ng Iligan City, Lanao del Norte at General Santos City.

Sa kasalukuyan, patuloy naman ang pagtugis sa 94 pang mga pugante na karamihan ay sinasabing kasama ng nakikipagbakbakan ng Maute-ISIS terrorists sa lungsod ng Marawi.

Like Us On Facebook

SAFE ADS

Sponsor Hosting

our current visitors

visitor’s location

Additional Income

Propellerads
'