2 lalaki nakuhanan ng shabu sa Davao City

Jun 18, 2017 | Nation, News, Philippines, Trending, Viral, World

DAVAO CITY – Dalawang lalaki ang arestado sa magkahiwalay na operation kontra iligal na droga sa Davao City Linggo ng umaga.

Kinilala ang mga suspek na sina Jariel Goliban at Jamel Tangcaag.

Arestado si Goliban matapos mabilhan ng isang sachet ng shabu. Nakumpiska rin mula sa kanya ang apat pang sachet ng shabu na may halagang P2,500.

Aminado si Goliban na gumagamit siya ng shabu ngunit itinangging nagbebenta siya nito.

Samantala, nakuhanan ng dalawang sachet ng shabu si Tangcaag sa isang checkpoint sa Lasang, Davao City.

Nakasakay sa bus si Tangcaag nang maharang sa checkpoint.

Ayon kay PO1 Ebenezer Ebdao, nagtaka siya na parang umiiwas sa inspeksyon si Tangcaag. Nang suriin ang bulsa nito ay nakita niya ang mga sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P1,000.

Aminado si Tangcaag na sa kanya ang mga shabu at ito umano ay para sa personal na pangkonsumo lamang.

Parehong haharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang dalawang suspek.

Give a little help

Like Us On Facebook

Popular Posts

Sponsor Hosting

our current visitors

visitor’s location

Sponsor Ads

loading...
'